Wednesday, February 23, 2011

Ang Talambuhay Ni Lindo Rochelle M.

            Ako si Rochelle Mosquera Lindo. Ako ay labing limang taong gulang na. Ako at ang aking pamilya ay naninirahan sa Brgy.Sta.Cruz Putol San Pablo City Laguna. Lima kaming magkakapatid at pang apat ako sa amin. At ang aking ama naman ay si Leovino Motas Lindo, siya at si lola ay may alagaan sa ilaya sa may San Cristobal, doon sila nagtatanim ng mga gulay at hina-harvest iyon sa may bayan. At ang aking ina naman ay si Amelita Mosquera Lindo siya ay may tindahan sa amin, nagtitinda siya ng mga gulay at doon namin kinukuha ang pang araw- raw na gastusin namin.                        
      Lagi kaming pumupunta sa ilaya upang mamasyal kasi ang daming mga gulay nakakayuwang tingnan. Noong una doon pa kami nakatira pero lumipat na kami kasi mag uumpisa na kaming pumasok sa eskwelahan. Nung grade 1 ako lagi akong sumasali sa mga activities, pag may mga program sa sumasali kaming magkakaklase gumawa kami ng grupo at sumayaw kami. At noong ng grase 6 na ako kami ang nag aalaga kay lolo kasi meron siyang dakit, tulong tulong kaming pamilya. Close kasi kami ng lolo ko lagi ko siyang sinasamahan pagpupunta siya sa alagaan. Nung wala na nalungkot kami, kasi wala kami sa kanilang bahay nung aagaw buhay siya, nasa school kasi kami noon, at hindi namin alam ang nangyayari,ipinatawag lang kami na tiyahin namin at sinabi nga ang nangyari kay lolo. Pagdating namin sa bahay nag mano kaming magpipinsan kay lolo bilang pagbibigay galang sa kanya. Kaming pamilya ang nag aasikaso ng mga dapat  gawin. Pagkatapos ng mga nangyari sa aming pamilya, ang mga tiyahin ko ay nag uwian upang bumalik sa kanilang trabaho upang makatulong naman kay lola sa mga gastusin sa pang araw -araw, dahil wala siyang trabaho at mahina na ang kanyang pangangatawan.
            At nang tumuntong na ako sa HighSchool sa Dizon High, malawak at maganda ang paaralan. Nang ako ay nag enroll ng 1st year, ako ay excited na kinakabahan kasi bago pa lamang ako, natatakot ako na baka wala akong maging kaibigan pero mali ang hinala ko. Doon ko nakilala ang mga bagong kaibigan ta mga kaklase ko. Unang klase pa lamang ay kinakabahan na ako kasi firstime kong magpapakilala sa unahan sa harap ng maraming tao. Nang kami ay lumaban sa ibong adarna ay hindi namin alam ang gagawin, dahil hindi kami nakakapagpraktis na maayos. Kahit paano nakaraos din kami at nakahinga ng maluwag, dahil nakakahiya ang ginaw namin, inisip ko pa nga na sana hindi nalang ako sumali pero kahit ganon ang nangyari ay masaya parin.
Rochelle M. Lindo
            Kapag kami'y walang klase lumalabas kami ng classroom para maggala, nag lalakad kami sa may oval kahit na masakit sa balat ang init ng araw. At natatandaan ko pa ng maynarinig kaming ingay, kumakain klami nun ng lunch time,yun pala may bababang helecopter tayuan kame at tiningyan iyan kung ano ang nangyayari. Ayun pala dumating ang presidente ng pilipinas. Takbuhan  yung mga ibang estudyante upang makita lamang kung sino ang dumating. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa may oval, nagpunta kami sa may helecopter, ang kukulit namin noon,kinukulit namin yung nakabantay doon kung pwedeng sumakay. Nakikipagbiruan din naman yung nakabantay sa amin at sa iba.
            Nang akoy nag 2nd year na dun ko nalaman na hindi pala mahirap ang pumasok sa highschool ganun paman mad masaya pa. Mas lalo ako nagkaroon ng mas maraming kaibigan, nahubog ang aking kaalaman sa pagaaral. At hindi ko malilimutan ang araw na iyon na nagdaan sa buhay ko  na lagi kaming napapagalitan at minsan pa nga ay humantong pa ito sa pagpapa guidance ng mga teacher sa amin sa sobrang gulo namin.  Kahit ganoon parin ang nangyayari masaya parin ako.
       Naalala ko noon nung kami'y nagpapraktis pa lamang ng fielddemo, nakakapag bonding kaming magkakaklase doon kami nagkukulitan at nag aasaran. At naalala ko pa ngayon ang aking isang kaibigan, nakakatuwa siya kasi masayahin siya at makulet. Minsan nga'y hindi siay nakapagpigil ng kanyang sarili ng lagi siyang tinutuksong aming mga kamag aral . At naaawa ako sa kanya dahil tumigil na siya ng pagaaral ng sabihin ng adviser namin na lima amg deliverate sa niya kaya siya ay natakot, akala niya ay hindi na siya makakapag 3rd year. Minsan pagwala kaming klase tumatambay kami sa aming paboritong tambayan sa canteen, doon kame nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko. At nung nag exam ang lahat ng 2nd year, nahirapan din naman ako sa test namin, nagkayayaan kaming maggala at mag bike sa lake,mura pa noon ang renta pero nayon ay tumaas na ang singil. Umuwi kaming masaya hanggang sa kami'y maghiwa-hiwalay na.  Ang araw na iyon ay hinding hindi ko malilimutan sa buhay ko.
              Noong 3rd year na ako ito ang pinakamasayang year sa HighSchool. Marami akong naranasan pero iba ito sa lahat ng naranasan ko dahil lahat kaming magkakaklase ay close sa isat-isa. Laging kaming magkakasama kung saan-saan  kami saan pumunta at laging nagtutulungan.
            At noo'y papalit-palit kami ng teacher at adviser namin kasi sila ay suko sa amin  sa kakulitan at kaingayan namin. kaya pinaltan ang adviser namin at doon nagbago ang aming paguugali  at pakikitungo dahil kami'y tinuruan ng bago naming adviser  na maging magalang  at higit sa lahat ay matuto sa lahat ng subject  at handa siyang makiusap sa aming subject teacher  kapag bagsak, dahil don lumambt ang aming kalooban lagi niya kaming pinapayuhan at lagi siyang nagpapatawa sa aming klase. At nakakawili  ang kanyang klase  dahil habang  nagsusulat kami hindi kami naiinip dahil may music sa room namin. Kahit minsan napapagalitan kame. 
Picture namin ng js
               Noong magki-christmas party kami, ang kame ang nautusang mag dekorasyon ng room namin. Masayang kaming nagdedekorasyon  magkakaklase kahit minsan ayaw ng iba naming kaklase ang dekorasyon namin  kaya pinipintasan nila ito, kahit na ganon tinuloy pa rin namin at tuwang tuwa naman ang adviser namin  para daw magdedebut kame pero kahit ganon masaya kame at masaya rin siya. At ng matapos na ang christmas party, nasira ang iba namin dekorasyon kaya pinagpasyahan nalang namin na alisin na ito  kaysa makaabala pa sa iba. At masayang masaya kaming mga magkakaklase  dahil nagkoroon kame ng masayang christmas party.
             Excited na ako na mag js kasi first time kong makakasali doon. Nariyang bumili ako ng dress at bagong sandals pero sa ate kon yun  at ipapahiram lang sa akin. At ang naging give away sa amin ay ang maliit at kulay pulang unan.At doon ko naging bestfriend's sina norine, lei ann, anicris at riza joy, sama-sama kami kahit saan man magpunta. Exam noon at half day, nagkayayaang kaming magbabarkada na pumunta kina lei ann upang maggala upang makita ang kanilang bahay. Nang makarating na kami sa kanila, ang lawak na kanilang bakuran at puno, at ang presko ng hangin. Birthday kasi nun ni lei ann at naghanda rin siya kahit papaano daw, kumain kami ng sabay-sabay tayo at nagkahiyaan pa pero kahit na ganon masaya kaming kumain.
Picture namin ng mag Flag Ceremony
                  Habang kami'y nagkakaklase ay pasimpleng bumibili  ang mga kaklase ko ng mga snacks at pasapasa itong ibibigay sa bumuli. At pag wala ring klase  kaya pala tahimik ang mga katabi ko sa upuan ay nagbabasa ng mga pocket book. At padadating na ang teacher namin sa filipino, tumamatahimik na agad kami,at pagnagkaklse kami napapansin niya ang iba kong kaklase na kung bakit may towel sa balikat para daw driver. Naaala ko pa noon yung naging adviser naming una palatawa sa amin mahilig magbiro,  kaya ang saya namin noon. At pag magco-computer kami ni norinel agi kaming nale late sa next subject namin dahil hindi natatapos ang aming kailangan pa naming tapusin. At natatandaan ko noon last year, nagkaroon ng shindig sa aming school. Marami sa aming sumali pati rin ako. Nag usapusap kaming magkakaibigan na ang antayan ay sa may 7-11, at nung papasok na kami sa gate yung isa kong kaklase ay ginulat ng adviser namin, tawanan kaming lahat kasi gulat na gulat siya.At noon ng uumpisa na ang program,madilim na noon mga ala sais, masaya kaming nanonood ng palabas, at minsan nagkukulitan din kami, at ang isa kong kaibigan ay may crush sa 4th year, nahihiya siya pero tumabi na sa kanya yung crush niya, pagkakataon na sana niyang kuhain ang number niya pero nahihiya talaga siya. Sabi namin bakit hindi mo kinuha. Nanghihinayang siya at kame noon. At ng nasa kalagitnaan na ng palabas ng program ay kailangan ko ng umwi dahil baka mapagalitan na ako dahil gabi na. Pero ng dumating na ako sa amin ay hindi naman ako napagalitan.
Picture namin ng mga kaibigan ko
                        Ngayong ako'y 4th year na ay marami na akong sinasalihan na mga activiities para tumaas ang mga grades ko. At marami akong naranasan noong nagdaang taon sumali kami sa science camp, sa fieldtrip at sa katatapos lang na js. Sinalihan ko yung lahat kasi mag tatapos na kami at memorable ang mga yun sa akin. At ngayong malapit na ang graduation excited na ang mga kamag aral ko, at excited narin silang pumasok ng college. At pagkatapos ng mga nangyari sa aking sa HighSchool life ay marami pa ako mararansan pagdating ng college, at pagbubutihan ko ang pag aaral ko sa pagdating ko ng college at marami pang pagsubok na darating sa buhay ko.
                     

No comments:

Post a Comment