Thursday, February 24, 2011

Ang aking Talambuhay{Christine joy Cario}

                                                                   Ako

            Ako si Christine joy Cario. Ipinanganak noong ikaapat ng Pebrero taong 1993 sa bayan ng Bicol.Panganay na anak ako ni Ma.Violeta G.Cario at Romeo C.Cario. Limang taon palamang ako ng iwan ako ni mama para magtrabaho sa Maynila.Nang makabalik sya para kunin ako, nagpakasal ulit sila ni papa dahil naghiwalay sila noong musmos pa lamang   ako.lumipat kami ng tirahan sa Cavite at doon narin ako nagaral ng Elementarya. Nasa unang baitang ako noon at maraming pinangangambahan.Pero naging maganda at maayos ang lahat.Nasa ikalang baitang ako noon at buntis si mama noon sa ikalawa kong kapatid.Nang manganak sya ay tumlgil ako sa pagaaral ko. Dahil naging kumplikado ang lahat. Napatigil ako sa pagaaral ko dahil doon. Nagkaroon kami ng panedirya, pero ilang taon lamang nga itinagal nito at nawala. Pumasok ang papa ko sa ibang panaderya upang makapagtapos ako ng pagaaral. Sa aking pagtatapos sa elementarya naging mas pursigido ako sa pagaaral ng sa gayon matulungan ko ang aking mga magulang.                                                                                                                                                   
ME AND MY CLASSMATE IN 4TH YEAR
            Unang pagpasok ko sa sekondarya sabik ako sa magiging karanasan ko dito. Marami akong naging kaibigan masaya ako pagkasama ko sila. Ang paborito kong kaibigan ay si Geraldine, parihas kami ng paguugali at may pagkakahawig sa mga bagay na gusto namin. Dahil nga gusto namin magkasama, gabi na ako umuwi sa amin bahay. Nagagalit na sa akin si mama dahil masyado ng gabi na ako kung umuwi sa amin. Dahilan na siguro sa mga problema sa bahay. Sa kanya ko ibinubuhos ang sama ng loob. Hanggang sa pagtungtung ko sa ikalawang taon sa sekondarya sila parin ang mga kaibigan at kaklase ko. Marami kaming gawain na hindi maganda, hanggang sa mapatawag ang aming mga magulang. Dahilan sa pagba-bandalism namin. Unang pagkakataon ko na napatawag ang aking mga magulang. Ang pumunta ay si papa. Umiyak ako noon, dahil unang pagkakataon ko iyon. Wala na akong nagawa kundi papuntahin sya doon. Pinagalitan nya ako at pinagsabihan, sanay na ako sa kanya. Dahil bata pa lamang ako malupit at mahigpit na sya sa akin. Para bang hindi nya ako tunay na anak kung ituring. Dahil bawat palo nya at pagkakamali ko ay lumalatay sa aking katawan at sa pagkakamali ko ay may kaukulang parusa. Para sa kanya ito ang paraan ng kanyang pagdidisiplina. Pero iba sya sa mga kapatid ko,binaliwala ko lamang ang mag ito. Siguro kaya nya ginagawa nya iyon ay para disiplinahin ako.
           Tapos na ako sa ikalawang taon sa sekondarya at bakasyon noong panahon na yun ng magpasya si mama pumunta sa kapatid nya sa Laguna kasama kami. Isang linggo pa bago kami umalis nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni papa. Dahil lamang sa hindi ko pagsunod sa kanyang pinaguutos nabigla ako sa mga sinabi nya sa akin, na wag na daw akong makikitang kasama nila mama pagbalik nila sa amin. Ganoon na lang ang galit ko sa kanya na para bang hindi nya ako anak. Na ganoon na lamang ang pagtataboy nya sa akin. Para bang nawalan ako ng galang sa kanya at kinamuhian ko sya sa mga masasakit na sinabi nya sa akin.
            Pagdating namin sa bahay ng tita ko, agad namang sinabi ni mama ang lahat ng nangyari. Nakipagusap sya dito, upang dito na lang ako magaral sa ikatlong taon sa sekondarya. Nang umalis sila mama at bumalik sa amin ay labis akong nalungkot sa aking naramdamang pagiisa. Pumunta kami ng Bicol para doon ako magpatuloy ng pagaaral sa ikatatlong taon sa sekondarya. Sapagkat mas malapit ang paaralan doon kaysa dito sa Laguna. Doon sa isa pang kapatid ng aking mama ako manunuluyan. Unang pagkakataon kong mahiwalay sa mama ko at mga kapatid. Sinabi na rin sa akin ng tita ko ang lahat ng katotohanan mula sa pagkatao ko. Sinabi nya na hindi ko daw tunay na ama ang aking kinikilala kong ama ngayon. Yun ang pangalawang asawa ni mama. Nagulat ako sa sinabi nya, hindi ako makapaniwala na totoo ang kutob ko na sa una pa lang ay hindi ko sya tunay na ama.
ME^^
ME AND MY BFF
           Lalo akong namuhi sa kanya,sa mga pagkakataong sinabihan nya ako ng masasakit na salita. Inakala kong ginagawa nya lamang iyon upang hindi ako maging suwail sa kanya. Pero mas napatunayan kong kaya nya ginagawa ang lahat ng iyon ay dahil ayaw nya sa akin. Naging mas mabigat ang lahat ng nangyari sa akin. Naging doble ang sakit sa aking, una ay nahiwalay ako sa mama at mga kapatid ko at ikalawa ay hindi ko naman pala ama ang kinikilala kong ama ngayon. Sa tuwing tumatawag si mama ay umiiyak ako dahil nasasabik ako sa kanila hanggang sa nasanay na ako.
ME^^......May asungot lang sa likod

           Unang pasukan noon sa ikatlong taon ko sa sekondarya marame akong pinangangambahan na baka wala akong maging kaibigan at maning mahirap sa akin ang mga sabdyek ko. Ngunit nagkamali ako, nagkaroon ako ng kaibigan at naging mas madali ang sabdyek ko. At sinabi ko sa sarili ko na gagalingan ko para ipakita ko sa kanilang lahat na kaya kong maging magaling at kaya kong harapin ang problema ng magisa. Habang tumatagal marami akong naging kaibigan at naging porsigido ako. Habang bumibilis ang mga araw, hindi ako masyadong nasisiyahan sa pamamalagi doon dahil malayong malayo ito sa kinagisnan ko sa Cavite. Lumipas ang araw, dumaan ang pasko at bagong taon ng hindi ko kasama ang aking pamilya.
           Tapos na ako sa ikatlong taon sa sekondarya at bakasyon noon. Naisipan kong humanap muna ng pansamantalang trabaho. Nakahanap naman ako, pero ilang linggo pa lamang ako doon ng dumating ang kapatid ni mama sa Laguna upang sunduin ako at doon na makapagtapos. Pero hindi muna nya ako pinapasok, dahil sabi nya ay mahirap makapasok lalot kalilipat ko lamang doon at lilipat agad ako dito sa Laguna. Pumayag ako, na pansamantalang tumigil. Magpapasko noon ng pauwiin muna nya ako sa amin para magbakasyon at doon na rin magpasko at magbagong taon. Sa una ay ayoko umuwi, dahil namumuhi ako sa papa ko. Pero napilitan ako dahil
MY CLASSMATE
            Makaraan ng isang taon pinagpatuloy ko ang pagaaral sa ikaapat na taon ko sa sekondarya. Masaya at mapusok ang karanasan ko dito, dahil dito ako unang nakaranas ng makatikim ng alak. Pero hindi ko na ito pinagpatuloy dahil alam ko na masama ito para sa akin. Marami rin akong naging kaibgan na nakilala at sila ang kasama ko ngayon. At ngayon patapos na ako sa ikaapat na taon at sisikaping kong makapagaral sa kolehiyo upang makatulong sa mga magulang ko. Alam kong marami pang problema ang aking haharapin. Masaya ako at naibahagi ko ang natatangi kong buhay.SALAMAT PO^^..................

No comments:

Post a Comment