Friday, February 25, 2011

ANG TALAMBUHAY NI RHAYA MONIQUE RAMOS

1 Year  old ako .
              
   Ako po si Rhaya Monique Mendez Ramos. Ipinanganak noong Enero 12, 1995 sa San Pablo City. Ang aking Nanay ay si Raquel Mendez Ramos at ang aking Tatay ay si Pablito Oriel Ramos.

Noong ako'y bininyagan 
  Noong makalipas ang ilang buwan noong ako ay ipinanganak ako ay bininyagan, at lumipas ang mga ilang buwan ako ay dinala ng aking Magulang at Lolo ko sa Bisaya. At doon ko pinagdiwang ang aking unang kaarawan. At doon ako lumaki at la

gi daw ako iniiwan sa Lolo ko dahil ang aking Magulang ay nagtatrabaho kung saan saang lugar. At tuwang tuwa daw ang aking mga Kamag-anak sa Visaya dahil para daw akong Manika. At doon ko din naranasan ang pagkawala ng Lolo ko noong tatlong taong gulang pa lang ako, sabi ng Nanay ko.


Simula noong nawala ang aking Lolo, huminto daw muna sa pagtatrabaho ang aking Nanay dahil wala daw mag-aalaga sa akin. Ang Tatay ko nalang ang nagpatuloy ng pagtatrabaho.

Noong nagka-isip na ako hinahayaan na ako makipaglaro sa mga kaibigan ko. At ng naging anim na taong gulang na ako, ako ay pumasok na ng Kinder. At Gumaradweyt ako ng Kinder, umuwi ulit kami sa San Pablo upang mag-aral ng Grade 1 at Grade 2 sa Sto. NiƱo Elementary School.
Bumalik ulit kami sa Visaya upang ipagpatuloy ang aking Elementarya. Noong Gumardweyt ako, hindi ko kasama ang aking Nanay dahil sila ay nandito sa San Pablo. Kaya ang tanging kasama ko lang ay ang aking Tatay.
1st year High School
Dito ko pinagpatuloy ang aking Sekondarya sa San Pablo. Sa Paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Noong ako ay nag first year, ako ay sinamahan pa ng aking Nanay mag-enrol dahil ako ay nahihiya pa. Sa mga sumunod na araw, nagsimula na ang aming klase. At doon ko naranasan ang mainis sa aking mga Kaklase. Dahil sa kanilang ugali. Ngunit nagkaroon naman ako ng ilang kaibigan na nakasama ko ng mga ilang buwan ito ay sila Arra Camille Chiva, April Alcantara at Angelica Versola. Nagkaroon kami ng bagong Kaklase, pero ito ay nakaaway ko. Dahil sa kanyang pinapakitang ugali na hindi ko nagustuhan. Siya ay nagmamagaling. Kaya siya ay pinahiya ko at pinaiyak ko sa harap ng aking mga kaklase. Doon ko rin naranasan magkaroon ng mababang marka, at pinilit ko itong ipasa dahil ayaw ko mapagalitan ng aking mga magulang. Naipasa ko naman ito sa bandang huli. Natapos din ang paghihirap ko noong ako ay first year.


2nd year High School

                    Noong naging second year ako magisa nalang akong nag-enrol dahil hindi na ako nahihiya. At doon naging matured ang aking pagiisip. At naging kaibigan ko naman ang lahat ng aking kaklase. Ngunit ako ay naiinis sa aking Guro dahil napaka taray! LOL :D Naging kaibigan ko din si Alyssa Mae Santos at Angel Karen Samsaman. Lagi ko silang kasabay pag umuuwi. Ngunit mga ilang buwan ay nagkaaway kami ni Alyssa dahil sa kanyang nagugustuhang Lalaki. Sa akin kasi ito nalapit. Simula noon kami ay hindi na nagpansinan hanggang ngayon. Bago kami mag bakasyon kami ay Nagswimming kasama ang mga Kaklase ko.At pagkatapos ay nagpapirma kami ng Clearance. Pagkatapos ng Clearance kinuha namin ang aming Card. At noong nakuha ko na ako ay nabakasyon na at nanood kami ng mga pinsan ko ng Basketball sa Court sa tabi ng Bahay namin, at madami kaming nakilalang mga kaibigan. Doon nagtapos ang aking 2nd year life :)
 3rd year High School
Me and My Bestfriend.


Party Pips. 

Pasukan na naman!!! Ako ay tinatamad pang pumasok ng mga oras na yun, pero kailangan. Doon ko naranasan ang pinaka mahirap sa High School. At naging kaklase ko ulit ang mga kaklase ko noong ako ay second year. Naging mabait ako noong unang mga araw.. Ngunit ng tumagal lumabas ang aking tunay na ugali, dahil sa mga nakakasama ko araw araw. Noong nagkaroon ng Shindig ay ang gugulo ng mga kaklase ko dahil sa sayawan at doon din nabuo ang barkadang " PARTY PIPS ".Mga ilang linggo ay nagka away away ang mga barkada ko at ako, dahil sa mga iba naming kaibigan. Matagal bago kami nagkabati-bati. At doon ko naging Bestfriend si Meriel Millave dahil kung anu-ano ang sinasabi nila sa amin. May isa kaming barkadamg na pinagbati-bati kami para maayos. Naging maayos naman kami bago mag JS Prom. Ito ang first JS ko ang first dance ko ay si Marlon Bustarde. Masaya ang aming JS dahil halos lahat ng nga kaklase ko ay sumali. Pagkatapos noon, ang inasikaso ko naman ay ang aking bagsak na marka sa English. Dahil kami nga ay magugulo. Kaya kami pinapagalitan ng aming mga Guro. Nagmakaawa kami na ipasa dahil ayaw naming may maiwan kaming bagsak sa 3rd year. Kami ay pinasa naman ng aming Guro na si Mrs. Lidia Gonzales, nagpasalamat kami dahil kami ay pinasa niya sa kabila ng aming kaguluhan. Bakasyon na naman nagkaroon na naman ng Basketball sa aming Brgy ang dami naming naging kaaway dahil sa larong yun, nagkakapikunan. Noong Awarding ay nakilala ko noong June 06, 2010 Birth day ng lola ko. At doon ko rin nakilala si Jay Enseo:))
4th year High School
JS 2011 mga CLASSMATE KO .
  Last year na sa High School. Naging inspirasyon ko si Jay kaya hindi ako nagkaroon ng bagsak. Nagsimula ang pasukan noong June 7, 2010 kasama ko ang aking Pinsan na pumunta sa School at nagkita kita kami ng mga barkada ko at ng aking Bestfriend at nagkaiba-iba kami ng section dahil kami ay magulo. Nagkaroon din naman ako ng kaibigan na si Ronnalyn Galicia a.k.a Onang. Unang araw ko palang sa pasukan meron agad akong nakaaway sa simpleng bagay lamang.At yung babaeng nakaaway ko noong unang pasukan ay matalik ko nang kaibigan ngayon. Lagi kong kasama ay si Meriel, Arra at Onang kung saan saan dahil ayoko sa mga kaklase kong iba. Nagkaroon ng sari sariling barkadahan sa loob ng classroom, ngunit nagkaaway away naman sila dahil nagkaplastikan. Nakaaway ko naman ang isa kong kaklase dahil kung anu-anong sinasabe baka hanggang matapos ang taon hindi ko siya makakasundo.At nitong Enero 12 araw ng kaarawan ko ay nabuo naman ang "BEST OF THE BEST". Last JS ko na to hindi masaya dahil wala ang Bestfriend kong si Meriel. Kaya di ako masyadong nagsayaw. Nahihirapan ako ngayon dahil may isa akong bagsak. Kailangan kong ipasa para makagraduate. Buti nandiyan ang " POTSS SISTER" para tulungan ako. Ako ay Gagraduate na ngayon darating na April na walang problema. Natapos din ang aking High School Life :)

( NAHIRAPAN AKO GUMAWA NG TALAMBUHAY KO! PERO ENJOY :DD )

Thursday, February 24, 2011

Talambuhay Ni Neil Lhanderson Putungan




JS Prom ako yung malaking katawan













   Ako si Neil Lhanderson Putungan, labing pitong taong gulang pinanganak noong nobember 4, 1993 sa Brgy. Sta Catalina San Pablo City.Anak ni Rolando Putungan at Heminia Balaaldia Putungan, apat kaming magkakapatid, si ate Alyza ang panganay, sumunod ako, si Shirlene ang pangalawa sa bunso, at si Kimberly ang bunso. Dahil sa ako lamang ang lalaki sa aming magkakapatid ako ang tumatayong kuya sa aming apat, at nasa Third year na si ate, isang taon nalang ay makakatapos na siya ng pag-aaral, makakatulong na siya sa aming mga gastusin sa bahay. At ang susunod sa aki ay nasa First Year High School at ang bunso ay nasa Elementarya.










Ito ang barkadahan namin.

Picture namin ito noong JS.


Dahil sa hirap ng buhay ngayon kailangan naming apat na makatapos ng pag-aaral, nang sa ganon ay makatulong kami sa aming mga magulang. Ang trabaho ng aking ama ay hindi pirmihan dahil sa nagsara na ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya kaya ngayon ay paiba-iba na siya ng trabaho. Minsan kasama sa paglalabor ng mga puno, pagminsan naman ay nag-aahente ng mga lupa at mga hayop tulad ng baka, kabayo at kalabaw. Pagminsan din ay nagpapaupa siya sa padtatabas ng damo at ang kanyang mga kinikita ay hindi sapat sa aming mga pangangailangan tulad ngayon, apat kaming napasok kulang pa din ang binabaon namin, pero napapagkasya.















Ako ito noong nasa High School ako.


 




Buti na lang may natanggap si ate na scholarship, kaya hindi kami minsan nag-aalala sa gastusin tulad ng tuition fee. Ang aking ina naman ay nagtatrabaho sa Brgy. bilang isang BNS (Brgy. Nutritionist Scholar). Ang kinikita niya dito ay nagkukulang din para sa aming lahat, dahil pag walang rabaho si Daddy nagtitiis kaming pinagkakasya ang pera para makapasok kaming apat. Naaalala ko pa nga noong nasa Elementary pa ako at High School si ate, dahil sa kakulangan ng panggastos,tanging pamasahe lang ang naging baon nya.Kaya ngayon nag-aaral siya ng mabuti dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang aming magulang. Ngayong ako'y magtatapos ng High School nais kong kuhaing kurso ay Military, dahil gusto kong maging sundalo at para narin maiahon sa hirap ang aking mga magulang at para narin sa aking kinabukasan at para narin sa ikagiginhawa ng aming pamumuhay.











JS namin ito.


Nagpapasalamat ako sa aming magulang, dahil sa walang hanggang pagtataguyon sa aming apat na magkakapatid para mabigyan kami ng magandang kinabukasan at mahal na mahal ko sila Mommy,Daddy at aking mga kapatid at salamat din sa panginoon dahil hindi nya kami pinababayaan at higit sa lahat sa mga kaibigan kong lagi kong karamay sa lahat ng dagok sa aking buhay.













Last year na sa High School. Naging inspirasyon ko si Crisna Dae Austria, kaya hindi ako nagkaroon ng bagsak.







Nagsimula ang pasukan noong June 7, 2010 kasama ko ang aking Pinsan na pumunta sa School at nagkita kita kami ng mga barkada ko at ng aking Bestfriend at nagkaiba-iba kami ng section dahil kami ay magulo. Nagkaroon din naman ako ng kaibigan na si Benedick Marasaigan a.k.a Deck.


Unang araw ko palang sa pasukan meron agad akong nakaaway sa simpleng bagay lamang.At yung babaeng nakaaway ko noong unang pasukan ay matalik ko nang kaibigan ngayon. Lagi kong kasama ay siAllen, Edibon at Jerwin kung saan saan dahil ayoko sa mga kaklase kong iba. Nagkaroon ng sari sariling barkadahan sa loob ng classroom, ngunit nagkaaway away naman sila dahil nagkaplastikan. Nakaaway ko naman ang isa kong kaklase dahil kung anu-anong sinasabe baka hanggang matapos ang taon hindi ko siya makakasundo.At nitong Enero 12 araw ng kaarawan ko ay nabuo naman ang "Matikal Group".Ganoon parin ang muka ng aking mga kaklase walang pagkaka-iba.Dito ko rin naranasan na mahirap pala ang sekondarya,dahil ibinagsak ako ni Mr.Ang,dahil dito maslalo pa akong nagsumikap mag-aral kaya ipinasa rin ako.Tuwing Bakasyon nagpupunta kami sa probinsya ng tatay ko sa bicol,masaya doon dahil sariwa ang hangin at makakapagpahinga ka talaga ng maayos.nalulungkot ako sa mga nakikita kong pagwawalang bahala ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.Kailangan talaga ng paggabay ng mga magulang at mga guro.Upang maisaayos pa ang pag-aaral ng mga estudyante.Nag-aral pa rin ako ng mabuti dahil gusto kong makapag tapos ng pag-aaral.


Last JS ko na to hindi masaya dahil wala ang Bestfriend kong si Emersan. Kaya di ako masyadong nagsayaw. Nahihirapan ako ngayon dahil may isa akong bagsak. Kailangan kong ipasa para makagraduate. Buti nandiyan ang " Familie Fhi" para tulungan ako. Ako ay Gagraduate na ngayon darating na April na walang problema. Natapos din ang aking High School Life.

Ang aking Talambuhay{Christine joy Cario}

                                                                   Ako

            Ako si Christine joy Cario. Ipinanganak noong ikaapat ng Pebrero taong 1993 sa bayan ng Bicol.Panganay na anak ako ni Ma.Violeta G.Cario at Romeo C.Cario. Limang taon palamang ako ng iwan ako ni mama para magtrabaho sa Maynila.Nang makabalik sya para kunin ako, nagpakasal ulit sila ni papa dahil naghiwalay sila noong musmos pa lamang   ako.lumipat kami ng tirahan sa Cavite at doon narin ako nagaral ng Elementarya. Nasa unang baitang ako noon at maraming pinangangambahan.Pero naging maganda at maayos ang lahat.Nasa ikalang baitang ako noon at buntis si mama noon sa ikalawa kong kapatid.Nang manganak sya ay tumlgil ako sa pagaaral ko. Dahil naging kumplikado ang lahat. Napatigil ako sa pagaaral ko dahil doon. Nagkaroon kami ng panedirya, pero ilang taon lamang nga itinagal nito at nawala. Pumasok ang papa ko sa ibang panaderya upang makapagtapos ako ng pagaaral. Sa aking pagtatapos sa elementarya naging mas pursigido ako sa pagaaral ng sa gayon matulungan ko ang aking mga magulang.                                                                                                                                                   
ME AND MY CLASSMATE IN 4TH YEAR
            Unang pagpasok ko sa sekondarya sabik ako sa magiging karanasan ko dito. Marami akong naging kaibigan masaya ako pagkasama ko sila. Ang paborito kong kaibigan ay si Geraldine, parihas kami ng paguugali at may pagkakahawig sa mga bagay na gusto namin. Dahil nga gusto namin magkasama, gabi na ako umuwi sa amin bahay. Nagagalit na sa akin si mama dahil masyado ng gabi na ako kung umuwi sa amin. Dahilan na siguro sa mga problema sa bahay. Sa kanya ko ibinubuhos ang sama ng loob. Hanggang sa pagtungtung ko sa ikalawang taon sa sekondarya sila parin ang mga kaibigan at kaklase ko. Marami kaming gawain na hindi maganda, hanggang sa mapatawag ang aming mga magulang. Dahilan sa pagba-bandalism namin. Unang pagkakataon ko na napatawag ang aking mga magulang. Ang pumunta ay si papa. Umiyak ako noon, dahil unang pagkakataon ko iyon. Wala na akong nagawa kundi papuntahin sya doon. Pinagalitan nya ako at pinagsabihan, sanay na ako sa kanya. Dahil bata pa lamang ako malupit at mahigpit na sya sa akin. Para bang hindi nya ako tunay na anak kung ituring. Dahil bawat palo nya at pagkakamali ko ay lumalatay sa aking katawan at sa pagkakamali ko ay may kaukulang parusa. Para sa kanya ito ang paraan ng kanyang pagdidisiplina. Pero iba sya sa mga kapatid ko,binaliwala ko lamang ang mag ito. Siguro kaya nya ginagawa nya iyon ay para disiplinahin ako.
           Tapos na ako sa ikalawang taon sa sekondarya at bakasyon noong panahon na yun ng magpasya si mama pumunta sa kapatid nya sa Laguna kasama kami. Isang linggo pa bago kami umalis nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni papa. Dahil lamang sa hindi ko pagsunod sa kanyang pinaguutos nabigla ako sa mga sinabi nya sa akin, na wag na daw akong makikitang kasama nila mama pagbalik nila sa amin. Ganoon na lang ang galit ko sa kanya na para bang hindi nya ako anak. Na ganoon na lamang ang pagtataboy nya sa akin. Para bang nawalan ako ng galang sa kanya at kinamuhian ko sya sa mga masasakit na sinabi nya sa akin.
            Pagdating namin sa bahay ng tita ko, agad namang sinabi ni mama ang lahat ng nangyari. Nakipagusap sya dito, upang dito na lang ako magaral sa ikatlong taon sa sekondarya. Nang umalis sila mama at bumalik sa amin ay labis akong nalungkot sa aking naramdamang pagiisa. Pumunta kami ng Bicol para doon ako magpatuloy ng pagaaral sa ikatatlong taon sa sekondarya. Sapagkat mas malapit ang paaralan doon kaysa dito sa Laguna. Doon sa isa pang kapatid ng aking mama ako manunuluyan. Unang pagkakataon kong mahiwalay sa mama ko at mga kapatid. Sinabi na rin sa akin ng tita ko ang lahat ng katotohanan mula sa pagkatao ko. Sinabi nya na hindi ko daw tunay na ama ang aking kinikilala kong ama ngayon. Yun ang pangalawang asawa ni mama. Nagulat ako sa sinabi nya, hindi ako makapaniwala na totoo ang kutob ko na sa una pa lang ay hindi ko sya tunay na ama.
ME^^
ME AND MY BFF
           Lalo akong namuhi sa kanya,sa mga pagkakataong sinabihan nya ako ng masasakit na salita. Inakala kong ginagawa nya lamang iyon upang hindi ako maging suwail sa kanya. Pero mas napatunayan kong kaya nya ginagawa ang lahat ng iyon ay dahil ayaw nya sa akin. Naging mas mabigat ang lahat ng nangyari sa akin. Naging doble ang sakit sa aking, una ay nahiwalay ako sa mama at mga kapatid ko at ikalawa ay hindi ko naman pala ama ang kinikilala kong ama ngayon. Sa tuwing tumatawag si mama ay umiiyak ako dahil nasasabik ako sa kanila hanggang sa nasanay na ako.
ME^^......May asungot lang sa likod

           Unang pasukan noon sa ikatlong taon ko sa sekondarya marame akong pinangangambahan na baka wala akong maging kaibigan at maning mahirap sa akin ang mga sabdyek ko. Ngunit nagkamali ako, nagkaroon ako ng kaibigan at naging mas madali ang sabdyek ko. At sinabi ko sa sarili ko na gagalingan ko para ipakita ko sa kanilang lahat na kaya kong maging magaling at kaya kong harapin ang problema ng magisa. Habang tumatagal marami akong naging kaibigan at naging porsigido ako. Habang bumibilis ang mga araw, hindi ako masyadong nasisiyahan sa pamamalagi doon dahil malayong malayo ito sa kinagisnan ko sa Cavite. Lumipas ang araw, dumaan ang pasko at bagong taon ng hindi ko kasama ang aking pamilya.
           Tapos na ako sa ikatlong taon sa sekondarya at bakasyon noon. Naisipan kong humanap muna ng pansamantalang trabaho. Nakahanap naman ako, pero ilang linggo pa lamang ako doon ng dumating ang kapatid ni mama sa Laguna upang sunduin ako at doon na makapagtapos. Pero hindi muna nya ako pinapasok, dahil sabi nya ay mahirap makapasok lalot kalilipat ko lamang doon at lilipat agad ako dito sa Laguna. Pumayag ako, na pansamantalang tumigil. Magpapasko noon ng pauwiin muna nya ako sa amin para magbakasyon at doon na rin magpasko at magbagong taon. Sa una ay ayoko umuwi, dahil namumuhi ako sa papa ko. Pero napilitan ako dahil
MY CLASSMATE
            Makaraan ng isang taon pinagpatuloy ko ang pagaaral sa ikaapat na taon ko sa sekondarya. Masaya at mapusok ang karanasan ko dito, dahil dito ako unang nakaranas ng makatikim ng alak. Pero hindi ko na ito pinagpatuloy dahil alam ko na masama ito para sa akin. Marami rin akong naging kaibgan na nakilala at sila ang kasama ko ngayon. At ngayon patapos na ako sa ikaapat na taon at sisikaping kong makapagaral sa kolehiyo upang makatulong sa mga magulang ko. Alam kong marami pang problema ang aking haharapin. Masaya ako at naibahagi ko ang natatangi kong buhay.SALAMAT PO^^..................

Wednesday, February 23, 2011

Ang Talambuhay Ni Lindo Rochelle M.

            Ako si Rochelle Mosquera Lindo. Ako ay labing limang taong gulang na. Ako at ang aking pamilya ay naninirahan sa Brgy.Sta.Cruz Putol San Pablo City Laguna. Lima kaming magkakapatid at pang apat ako sa amin. At ang aking ama naman ay si Leovino Motas Lindo, siya at si lola ay may alagaan sa ilaya sa may San Cristobal, doon sila nagtatanim ng mga gulay at hina-harvest iyon sa may bayan. At ang aking ina naman ay si Amelita Mosquera Lindo siya ay may tindahan sa amin, nagtitinda siya ng mga gulay at doon namin kinukuha ang pang araw- raw na gastusin namin.                        
      Lagi kaming pumupunta sa ilaya upang mamasyal kasi ang daming mga gulay nakakayuwang tingnan. Noong una doon pa kami nakatira pero lumipat na kami kasi mag uumpisa na kaming pumasok sa eskwelahan. Nung grade 1 ako lagi akong sumasali sa mga activities, pag may mga program sa sumasali kaming magkakaklase gumawa kami ng grupo at sumayaw kami. At noong ng grase 6 na ako kami ang nag aalaga kay lolo kasi meron siyang dakit, tulong tulong kaming pamilya. Close kasi kami ng lolo ko lagi ko siyang sinasamahan pagpupunta siya sa alagaan. Nung wala na nalungkot kami, kasi wala kami sa kanilang bahay nung aagaw buhay siya, nasa school kasi kami noon, at hindi namin alam ang nangyayari,ipinatawag lang kami na tiyahin namin at sinabi nga ang nangyari kay lolo. Pagdating namin sa bahay nag mano kaming magpipinsan kay lolo bilang pagbibigay galang sa kanya. Kaming pamilya ang nag aasikaso ng mga dapat  gawin. Pagkatapos ng mga nangyari sa aming pamilya, ang mga tiyahin ko ay nag uwian upang bumalik sa kanilang trabaho upang makatulong naman kay lola sa mga gastusin sa pang araw -araw, dahil wala siyang trabaho at mahina na ang kanyang pangangatawan.
            At nang tumuntong na ako sa HighSchool sa Dizon High, malawak at maganda ang paaralan. Nang ako ay nag enroll ng 1st year, ako ay excited na kinakabahan kasi bago pa lamang ako, natatakot ako na baka wala akong maging kaibigan pero mali ang hinala ko. Doon ko nakilala ang mga bagong kaibigan ta mga kaklase ko. Unang klase pa lamang ay kinakabahan na ako kasi firstime kong magpapakilala sa unahan sa harap ng maraming tao. Nang kami ay lumaban sa ibong adarna ay hindi namin alam ang gagawin, dahil hindi kami nakakapagpraktis na maayos. Kahit paano nakaraos din kami at nakahinga ng maluwag, dahil nakakahiya ang ginaw namin, inisip ko pa nga na sana hindi nalang ako sumali pero kahit ganon ang nangyari ay masaya parin.
Rochelle M. Lindo
            Kapag kami'y walang klase lumalabas kami ng classroom para maggala, nag lalakad kami sa may oval kahit na masakit sa balat ang init ng araw. At natatandaan ko pa ng maynarinig kaming ingay, kumakain klami nun ng lunch time,yun pala may bababang helecopter tayuan kame at tiningyan iyan kung ano ang nangyayari. Ayun pala dumating ang presidente ng pilipinas. Takbuhan  yung mga ibang estudyante upang makita lamang kung sino ang dumating. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa may oval, nagpunta kami sa may helecopter, ang kukulit namin noon,kinukulit namin yung nakabantay doon kung pwedeng sumakay. Nakikipagbiruan din naman yung nakabantay sa amin at sa iba.
            Nang akoy nag 2nd year na dun ko nalaman na hindi pala mahirap ang pumasok sa highschool ganun paman mad masaya pa. Mas lalo ako nagkaroon ng mas maraming kaibigan, nahubog ang aking kaalaman sa pagaaral. At hindi ko malilimutan ang araw na iyon na nagdaan sa buhay ko  na lagi kaming napapagalitan at minsan pa nga ay humantong pa ito sa pagpapa guidance ng mga teacher sa amin sa sobrang gulo namin.  Kahit ganoon parin ang nangyayari masaya parin ako.
       Naalala ko noon nung kami'y nagpapraktis pa lamang ng fielddemo, nakakapag bonding kaming magkakaklase doon kami nagkukulitan at nag aasaran. At naalala ko pa ngayon ang aking isang kaibigan, nakakatuwa siya kasi masayahin siya at makulet. Minsan nga'y hindi siay nakapagpigil ng kanyang sarili ng lagi siyang tinutuksong aming mga kamag aral . At naaawa ako sa kanya dahil tumigil na siya ng pagaaral ng sabihin ng adviser namin na lima amg deliverate sa niya kaya siya ay natakot, akala niya ay hindi na siya makakapag 3rd year. Minsan pagwala kaming klase tumatambay kami sa aming paboritong tambayan sa canteen, doon kame nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko. At nung nag exam ang lahat ng 2nd year, nahirapan din naman ako sa test namin, nagkayayaan kaming maggala at mag bike sa lake,mura pa noon ang renta pero nayon ay tumaas na ang singil. Umuwi kaming masaya hanggang sa kami'y maghiwa-hiwalay na.  Ang araw na iyon ay hinding hindi ko malilimutan sa buhay ko.
              Noong 3rd year na ako ito ang pinakamasayang year sa HighSchool. Marami akong naranasan pero iba ito sa lahat ng naranasan ko dahil lahat kaming magkakaklase ay close sa isat-isa. Laging kaming magkakasama kung saan-saan  kami saan pumunta at laging nagtutulungan.
            At noo'y papalit-palit kami ng teacher at adviser namin kasi sila ay suko sa amin  sa kakulitan at kaingayan namin. kaya pinaltan ang adviser namin at doon nagbago ang aming paguugali  at pakikitungo dahil kami'y tinuruan ng bago naming adviser  na maging magalang  at higit sa lahat ay matuto sa lahat ng subject  at handa siyang makiusap sa aming subject teacher  kapag bagsak, dahil don lumambt ang aming kalooban lagi niya kaming pinapayuhan at lagi siyang nagpapatawa sa aming klase. At nakakawili  ang kanyang klase  dahil habang  nagsusulat kami hindi kami naiinip dahil may music sa room namin. Kahit minsan napapagalitan kame. 
Picture namin ng js
               Noong magki-christmas party kami, ang kame ang nautusang mag dekorasyon ng room namin. Masayang kaming nagdedekorasyon  magkakaklase kahit minsan ayaw ng iba naming kaklase ang dekorasyon namin  kaya pinipintasan nila ito, kahit na ganon tinuloy pa rin namin at tuwang tuwa naman ang adviser namin  para daw magdedebut kame pero kahit ganon masaya kame at masaya rin siya. At ng matapos na ang christmas party, nasira ang iba namin dekorasyon kaya pinagpasyahan nalang namin na alisin na ito  kaysa makaabala pa sa iba. At masayang masaya kaming mga magkakaklase  dahil nagkoroon kame ng masayang christmas party.
             Excited na ako na mag js kasi first time kong makakasali doon. Nariyang bumili ako ng dress at bagong sandals pero sa ate kon yun  at ipapahiram lang sa akin. At ang naging give away sa amin ay ang maliit at kulay pulang unan.At doon ko naging bestfriend's sina norine, lei ann, anicris at riza joy, sama-sama kami kahit saan man magpunta. Exam noon at half day, nagkayayaang kaming magbabarkada na pumunta kina lei ann upang maggala upang makita ang kanilang bahay. Nang makarating na kami sa kanila, ang lawak na kanilang bakuran at puno, at ang presko ng hangin. Birthday kasi nun ni lei ann at naghanda rin siya kahit papaano daw, kumain kami ng sabay-sabay tayo at nagkahiyaan pa pero kahit na ganon masaya kaming kumain.
Picture namin ng mag Flag Ceremony
                  Habang kami'y nagkakaklase ay pasimpleng bumibili  ang mga kaklase ko ng mga snacks at pasapasa itong ibibigay sa bumuli. At pag wala ring klase  kaya pala tahimik ang mga katabi ko sa upuan ay nagbabasa ng mga pocket book. At padadating na ang teacher namin sa filipino, tumamatahimik na agad kami,at pagnagkaklse kami napapansin niya ang iba kong kaklase na kung bakit may towel sa balikat para daw driver. Naaala ko pa noon yung naging adviser naming una palatawa sa amin mahilig magbiro,  kaya ang saya namin noon. At pag magco-computer kami ni norinel agi kaming nale late sa next subject namin dahil hindi natatapos ang aming kailangan pa naming tapusin. At natatandaan ko noon last year, nagkaroon ng shindig sa aming school. Marami sa aming sumali pati rin ako. Nag usapusap kaming magkakaibigan na ang antayan ay sa may 7-11, at nung papasok na kami sa gate yung isa kong kaklase ay ginulat ng adviser namin, tawanan kaming lahat kasi gulat na gulat siya.At noon ng uumpisa na ang program,madilim na noon mga ala sais, masaya kaming nanonood ng palabas, at minsan nagkukulitan din kami, at ang isa kong kaibigan ay may crush sa 4th year, nahihiya siya pero tumabi na sa kanya yung crush niya, pagkakataon na sana niyang kuhain ang number niya pero nahihiya talaga siya. Sabi namin bakit hindi mo kinuha. Nanghihinayang siya at kame noon. At ng nasa kalagitnaan na ng palabas ng program ay kailangan ko ng umwi dahil baka mapagalitan na ako dahil gabi na. Pero ng dumating na ako sa amin ay hindi naman ako napagalitan.
Picture namin ng mga kaibigan ko
                        Ngayong ako'y 4th year na ay marami na akong sinasalihan na mga activiities para tumaas ang mga grades ko. At marami akong naranasan noong nagdaang taon sumali kami sa science camp, sa fieldtrip at sa katatapos lang na js. Sinalihan ko yung lahat kasi mag tatapos na kami at memorable ang mga yun sa akin. At ngayong malapit na ang graduation excited na ang mga kamag aral ko, at excited narin silang pumasok ng college. At pagkatapos ng mga nangyari sa aking sa HighSchool life ay marami pa ako mararansan pagdating ng college, at pagbubutihan ko ang pag aaral ko sa pagdating ko ng college at marami pang pagsubok na darating sa buhay ko.